ILULUNSAD ng Pru Life UK ang virtual version ng Prudential RideLondon ngayong weekend sa layuning maisulong ang programa sa kalusugan sa gitna ng COVID-19 lockdown.

Isasagawa ang ispesyal na event ngayong Agosto 15-16 sa London (pitong oras ang lamang ng Manila). Inaanyayahan ang lahat maging professional, amateur at recreational cyclists na makilahok sa kani-kanilang division sa www.myridelondon.co.uk.  Makatatanggap ng personal na instructions ang mga lalahok sa pag-download ng My Prudential RideLondon app.

“Circumstances may be tough now, but that does not stop us from advocating cycling as a healthy and sustainable mode of transportation. We are pleased to invite all Filipinos to participate in the virtual Prudential RideLondon, regardless of their cycling expertise level,” pahayag ni Allan Tumbaga, Pru Life UK SVP and Chief Customer Marketing Officer.

Libre ang paglahok sa My Prudential RideLondon at bukas para sa lahat at naghihintay ang iba’t ibang distansiya na puwedeng lahukan.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Gamit ang My Prudential RideLondon app, makikita ng cyclists ang kabuuang sukat nakanyang tatahakin at kasalukuyang posisyon sa apat na courses na pagpipilian tulad ng 100 miles, 46 miles, 19 miles, at FreeCycle.