KINUMPIRMA ng aming source na hindi puwedeng ipalabas ang Home Sweetie Home sa TV5 tulad ng nababalita dahil copyright ito ng ABS-CBN.
“Hindi puwede kasi ABS-CBN license ‘yun,” say ng isa sa kausap namin.
Sabi naman ng isa pang executive ng ABS-CBN, “duda ako kasi copyright ng ABS ‘yun,”
Posibleng ibang mga programa raw ang puwedeng ipalabas sa TV5 pero hindi ang sitcom na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na umere noong Enero 5, 2014 hanggang Marso 14, 2020.
Tinanong din namin kung ano update sa negosasyon ng ABS-CBN at TV5, “parang wala naman negotiation,” sagot ng aming source.
Samantala, baka raw ang mga artista ng Dos ang inalok na gumawa ng serye sa TV5 bilang blocktimer at ang binabanggit na producer ay ang dating kongresistang si Albee Benitez.
-Reggee Bonoan