Malungkot na ibinahagi ni Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila de Lima ang pagluluksa niya sa pagpanaw ng kaniyang fur baby nito lamang Linggo, Hulyo 12.
Sa Facebook post ni De Lima, ibinahagi niyang sumakabilang-buhay na ang kaniyang pusang si “Otto,” na isa sa mga pusang inuwi niya mula sa Camp Crame, sa EDSA, Quezon City.
Aniya, bago mamatay si Otto, nagkaroon ito ng mga kombulsyon o multiple seizures at nag-collapse, na nagdulot upang hindi na ito ma-revive.
Kaya saad pa ni De Lima, “ang sakit talagang mawalan ng fur baby.”
Samantala, mababasa naman sa comment section ng post ni De Lima ang pakikiramay ng ilan niyang tagasuporta.
“Hugs madam! A forever hole in our heart that cannot be filled.”
“So sad, however, know in your heart that Otto felt your love. He also felt the joys and pains you went through. And he knew, you were vindicated, and that's what matters!”
“You gave Otto a chance to a lovely home, Ma'am Leila. I think you just earned yourself another guardian angel.”
“hugs maam, masakit mawalan ng fur baby”
“Run free to paradise, Otto.”
“Be happy in Cat's Heaven Otto!”