Nagpahayag ng pagkabahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na sangkot sa pekeng anti-drug operation ang 11 tauhan ng San Jose del Monte City Police sa Bulacan na nagresulta sa pagkasawi ng anim katao noong Pebrero, kamakailan.
Sa pahayag ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, inaabuso ng pulisya ang rasong ‘nanlaban’ sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
“With the discovery of this anomalous operation, CHR echoes its call for the need to have an honest investigation of these alleged cases of extrajudicial killings in the country,’ ayon kay De Guia.
“The case of the San Jose Del Monte Police puts into question the true nature of all other deaths that have happened in the name of the so-called ‘drug war,’” dagdag nito.
Nauna nang inirekomenda ng NBI na kasuhan ang hepe ng San Jose del Monte Police at 10 pa niyang tauhan kaugnay ng nasabing operasyon. Nitong nakaraang Hunyo, naglabas ng ulat ang United Nations (UN) Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR) kung saan binanggit ang malawakang paglabag sa karapatang-pantao sa bansam kabilang na ang systematic na pamamaslan sa libu-libong drug suspect.
Dahil dito, sinabi ni De Guia na panahon na upang aminin ng pamahalaan na labis na nakaapekto sa buhay at karapatan ng tao ang kanilang kampanya, lalo na sa mga nasa ‘laylayan ng lipunan’.
“We cannot afford to lose even one, single innocent life,” she stressed. “CHR calls upon the government to stay true to its promise that it will not dodge its human rights obligations,” lahad ni De Guia.
Umapela rin ito sa NBI na huwag nang tumigil sa paghawak ng nasabing kaso hanggang sa makamtan ng mga biktima ang hustisya.
-Czarina Nicole Ong Ki