MARAMING nanghinayang sa pag-arangkada sana ng showbiz career ni Diego Loyzaga sa ABS-CBN.

diego

Matatandaang bila na lang pinatay ang karakter ni Diego sa teleseryeng Los Bastardos, isang top-rating Kapamilya seryeng sinubaybayanng marami, subali’t nasorpresa ang mga fans dahil sa biglaan nitong pagkawala sa show.

Matagal ding nawala sa limelight ng showbiz ang aktor, at nitong mga nakaraang buwan ay muli siyang nakita ng fans sa social media post kasama ang kanyang mga half-sisters sa stepmom na si Sunshine Cruz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa virtual presscon courtesy of Viva para sa aktor, ang bago niyang talent management, masayang ibinalita ni Diego na handa na siya para muling humarap sa kamera pagkatapos ng almost 3 years na pagtalikod sa showbiz.

“I feel like I have been ready for a while now kaso nga lang ang daming setbacks, ang daming nangyari sa mundo, and we were all still in this situation na hindi tayo puwedeng lumabas ng mga bahay natin.

“I’m more than ready. I’d love to lose a couple of pounds and get really, really fit again pero wala ring gym, so I’m making use of what we have here in the house. But every single part of me wants to go out and work again because I’m not getting any younger na rin. I’m really just excited to go back to work,”.

“Well,definitely more projects because this time around I really want to focus on the craft. I really want to focus on acting and I want to have a lot of movies under my belt. So, this time around marami silang mapapanood.”

Handa na rin daw siya sa mga mature roles,kahit pa ang pagpapa-sexy.

“Oo naman. I won’t even call that as mature role kasi kung ano namang kailangan ng movie, kailangan ng script, ready naman po akong gawin,” pahayag ni Diego..

Dahil nauuso ang mga Boy Love(BL)series,o ang Brumance relationships,sinagot ni Diego ang tanong kung kakayanin ba niyang makipagsabayan sa ganitong mga iskrip requiring man-to-man kissing scenes?

“Pinag-usapan namin ito ni mama (Teresa Lozyaga). Hindi siya naniniwala sa akin na kaya ko itong gawin,” natatawa niyang kuwento.

Pagbabahagi pa ng aktor, maraming proyekto ang nakalinya para sa kanya, na tiyak aabangan ng fans.

-ADOR V. SALUTA