Magiging available na sa Mayo 2021 ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Sputnik 5 na gawang Russia.

Ito ang inihayag ng Malacañang kahapon at sinabing posible ring mag-Pasko ang Pilipinas na wala ng virus.

Nilinaw ni Presidential spokesman Harry Roque, dadaan muna sa pagbusisi ng expert panel ng bansa ang resulta ng una at second phase ng clinical trial ng Russian vaccine sa Setyembre.

Naiulat na sabay-sabay na isasagawa ang 3rd phase ng clinical trials ng Sputnik 5 sa tulong na rin ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology sa Pilipinas at Russia mula Oktubre 2020 hanggang Marso 2021.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

Ayon kay Roque, popondohan ng Russia ang isasagawang clinical trials sa bansa.

Inaasahan naman ng Malacañang na mairerehistro ang

Sputnik 5 sa Food and Drug Administration (FDA) sa Abril 2021.

Binanggit nito, mababakunahan lamang si Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong mairehistro sa FDA.

“Ibig sabihin po sa Mayo a-uno 2021 pa lamang puwedeng magpasaksak ng bakuna galing sa Russia ang ating Pangulo,” aniya.

“”Yung ating target date po na May 1, ito po ay sang-ayon nga pala sa DoH (Department of Health) at DoST (Department of Science and Technology),” dagdag ni Roque.

Gayunman, muling sinabi nito na mangyayari lamang ang May 1 na target date para sa bakuna ng pangulo kung may go-signal ng

Presidential Security Group (PSG).

Kaugnay nito, sinabi ni Roque na hindi pipilitin ang publiko na sumailalim sa clinical trials at bukas lamang ito sa mga nais mag-volunteer.

“Lahat po ‘yan ay boluntaryo. Wala pong sapilitan ‘yan. Kung sino lang po gusto mag-volunteer, puwede po magpasaksak,” pahayag pa nito.

Pumapayag din aniya ang Russia na magkaroon ng transfer of technology para sa lokal na paggawa ng Sputnik 5.

“Sa katunayan po, hinihikayat nila ang iba’t ibang mga bansa na tumulong para mag-manufacture ng kanilang data,” paliwanag pa nito.

Sinabi rin nito, posible ring makaranas ng COVID-free Christmas, katulad ng binanggit ng pangulo sa kanyang late-night public address nitong Lunes kasabay ng pagkakaroon ng mga bakuna na nasa third phase ng clinical trials.

“Puwede po dahil ang alam ko po ‘yung sa China, sa Oxford (United Kingdom), at sa America, nasa third phase na po sila ng (It’s still possible because from what I know the vaccines of China, Oxford, and the United States are already in the third phase of the) clinical trial,” banggit pa nito.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS