Nagkukulitanna ulit sina Joshua Garcia at Julia Barretto base sa mga tweet nila sa isa’t isa nitong isang araw. Ayaw naming isiping pang-promo lang ito ng special digital movie nilang Love Unlock na may episode na E-numan mula sa direksyon ni Dado Lumibao na mapapanood na sa Sabado, Agosto 15, 7:30PM sa Kapamilya Online Live.

Natanong ang dalawa sa ginanap na virtual mediacon nitong Martes ng hapon kung kailan pa sila naging close ulit dahil ang pagkakatanda namin ay inamin nilang hindi sila masyadong nag-uusap sa mediacon ng pelikulang Block Z noon.

Ayon kay Julia, “Kasi sayang, e. We had a lot of good memories together. We were also friends before we became lovers. So we just wanted to go back to that and save the friendship. We were able to work at peace. We were able to come face to face at peace. Talk to each other at peace. Grateful ako kasi pina-mature talaga kami ng panahon ni Josh.”

Wala naman daw nangyaring ilangan sa shooting ng E-Numan.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Sabi ni Joshua, “Parang wala naman. Simula nu’ng naghiwalay kami, ang sama pakinggan nu’ng naghiwalay. Hindi naman kami nawalan ng connection sa isa’t isa.

Parati namang nagkaka-text kami. Nagpunta pa ako sa bahay n’yo before, di ba? (um-oo naman si Julia). May mga times kaming ganu’n. Baka feeling lang ng mga tao kasi siyempre naghiwalay kami, pero wala naman po.”

At dahil nagkukulitan na sila sa Twitter ay natanong ang dalawa kung bakit kasi in-unfollow ng dalaga ang binata at ngayong pina-follow na nila ang isa’t isa ay naging viral ito at kinilig ang napakaraming fans ng JoshLia.

“Pinag-usapan din natin ‘yan before pa, e. Nagkatawanan tayo before sa eroplano. Parang second day na nu’n na in-unfollow niya ako. Pagkakita ko sa kanya, sabi ko, ‘In-unfollow mo ako?’ Pinagtawanan lang namin,”say ni Joshlia

Napangiting say ni Julia, “Palagi niya ako tinutukso bakit ko daw siya in-unfollow.”

Susme, mukhang balik na nga sa dati ang relasyong magkaibigan nina Josh at Julia dahil nagagawa ng biruin ng una ang huli na hindi pa siya pina-follow sa Instagram na ikinatawa ng husto ng aktres.

-REGGEE BONOAN