Inianunsiyo ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magbabawas ito ng mga tauhan simula sa susunod na buwan bunsod ng pagbaba ng kanilang ridership ng hanggang 90%, dulot nang pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
“It is with great regret that LRMC confirms a reduction of its workforce due to a significant 90% drop in ridership brought about by the COVID-19 pandemic,” anang LRMC sa isang pahayag.
Ayon sa LRMC management, magiging epektibo ang pagbabawas nila ng mga trabahador sa Setyembre 15.
-Mary Ann Santiago