Sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica na mula ulo hanggang paa ang corruption sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ito ang bunyag ni Belgica sa pagdinig na nagpapalabas ang state insurer ng P3 bilyon kada-linggo na “exposed to corruption.”

“Marami na kaming inimbestigahan, kinasuhan, pinatanggal at pinakulong, Pero ang isyu ng PhilHealth: Grabe po ito. Grabe ang nakawan, grabe ang kakapalan, grabe ang kawalanghiyaan,” ani Belgica sa pagdinig.

Mula ulo hanggang paa ang corruption,” giit pa ni Belgica.

“Ito ang unang isyu na kailangan nating i-address ngayon dahil P2 billion hanggang P3 billion ang inilalabas ng PhilHealth linggu-linggo ay exposed sa corruption,” giit pa ni Belgica.

Probinsya

Lalaking lulong umano sa 'scatter,' nang holdap gamit baril-barilan!

Nauna nang inirekomenda ng PACC ang pagpapatalsik at pagsasampa ng kaso sa 36 opisyal ng PhilHealth dahil sa mga sinasabing iregularidad.

Ayon sa natuklasan ng PACC na naisasagawa ang mga insurance fraud dahil sa kakulangan ng transparency at balidasyon ng mga claim ng miyembro at health care providers (HCP).

Idinagdag pa ng PACC na malimit lang umanong nagsasagawa ng random post-audit ang ahensya dahilan para maging imposible na ang pag-audit sa bawat claims.

-Beth Camia