INIURONG ng Olympic Council of Asia ang 6th Asian Beach Games sa China sa Abril 2-10, 2021 dahil din sa coronavirus pandemic.

Orihinal na nakatakda sa Sanya, China, sa darating sanang Nobyembre 28 hanggang Disyembre 6.

Ayon sa OCA, ang desisyon na iurong ang petsa ng Asian Beach Games ay napagkasunduan nila ngChinese Olympic Committee at ng mga local organizers.

Gaya ng Tokyo Olympics na iniurong sa kalagitnaan ng 2021 ng International Olympic Committee, hindi rin babaguhin ang pangalang Asian Beach Games Sanya 2020, gayundin ang logo nito.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Maging ang OCA general assembly upang alamin kung alin sa Doha, Qatar, at Saudi capital Riyadh ang magiging host ng 2030 Asian Games ay isasagawa kasabay ng naurong na Sanya Games.

Ang naantalang beach games sa southern Hainan island ay simula ng magkakasunod na multisports events na gaganapin sa China na kinabibilangan ng Winter Olympics sa Pebrero 2022 sa Beijing at Asian Games sa Hangzhou sa Agosto 2022.

-Marivic Awitan