TINANONG kami ng kaibigan naming nasa Amerika kung bukas pa ang restaurant na Pedro N Coi sa Promenade na pag-aari ng mag-asawang Lloyd Lee at ni 2011 Binibining Pilipinas-Universe na si Shamcey Supsup-Lee.

shamcey supsup

Last year kasi ay nandito sa bansa ang kaibigan namin at kami ang nagsabing dalhin niya ang pamilya niya sa nasabing restaurant dahil malalaki ang servings at Pinoy dishes talaga. Wala kasi silang makitang nagsi-serve ng Filipino dishes sa Greenhills noong panahon na iyon.

Sabi namin na bukas pa naman siguro dahil wala naman kaming nababasang announcement na sarado na ang Pedro N Coi, unlike ang fastfood na Jollibee ay nag-anunsyong isasara na ang 255 stores dahil umabot na sa bilyones ang lugi nito.

Makinig ka Drew! Iya, pagod na umire

Habang ka-chat namin ang kaibigan naming nasa Amerika nitong Sabado ng gabi ay saka naman nag-post si Shamcey sa kanyang IG account sa pinagdadaan nilang mag-asawa at may anxiety siya dahil sa sobrang apektado ang kanilang kabuhayan at seguridad ng pamilya sa nangyayari ngayong pandemya.

Hmm, baka naman nabasa ng kaibigan namin ang post na ito ni Mrs. Lee kaya kami tinanong? Anyway, pinost ni Shamcey ang larawan nilang mag-asawa kasama ang dalawang anak.

‘’This pandemic took away so many things from us; our livelihood, our businesses, our security and the lives of our loved ones. It has given me so much anxiety the past few days especially when it comes to our finances. But seeing this photo, reminded me of the real wealth that no amount of money can buy.”

Marangya ang buhay ng pamilya Lee pero heto dumadaing sila dahil pinatay ng COVID-19 pandemic ang lahat ng negosyo bukod pa sa maraming nawalan ng trabaho, paano pa kaya ‘yung mga pamilyang salat sa yaman at umaasa lang sa arawang kita?

Sa COVID-19 pandemic ipinakitang walang mayaman at mahirap, ang yumaman lang diumano ay ang mga nambulsa sa nawawalang pondo ng Philhealth.

-REGGEE BONOAN