GUSTO na yata ng fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na magbuntis si Sarah, kaya nang may nag-tweet na buntis ang singer-actress, agad pinaniwalaan at ni-retweet pa. It turned out fake news at edited ang balita, hindi pa rin buntis si Sarah at dinelete rin naman agad ng fan ang tweet niya at nag-sorry sa kapwa fans.

sarah at matteo

Speaking of Sarah and Matteo, sila ang kinuhang endorsers ng Meralco at sa TVC na napanood namin, ipinaliwanag ng mag-asawa kung bakit mataas ang electricity bill natin noong nasa ECQ ang bansa. Wais ang Meralco sa pagkuha kay Sarah na alam nilang mahal ng tao at sa paliwanag nila ni Matteo, mababawasan ang galit sa kanila.

Also, kahit naka-quarantine ang bansa, patuloy na pinapanood ang Tala music video ni Sarah at ang latest count, may 150M views na ito sa YouTube and counting. Gan’un karami ang nanood sa music video na ang iba siguro ay paulit-ulit na pinapanood.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

-NITZ MIRALLES