Anim na set na real time-polymerase chain reaction (RT-PCR) machines ang ipinagkaloob ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa ilang public hospitals sa National Capital Region (NCR).
Bilang bahagi ng P1 bilyong donasyon ng NGCP para sa COVID-19 response at relief efforts, tig-dalawang sets ng RT-PCR machines ang tinanggap ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Lung Center of the Philippines (LCP) noong Hulyo 1.
Tig-isang set ng RT-PCR machine ang tinanggap naman ng V. Luna General Hospital (VLGH) at Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory noong August 5.
Nabigyan din ng limang bagong ambulansya sa UP-PGH, Philippine Orthopedic Center, Quirino Memorial Medical Center, Philippine Heart Center, at Biñan Doctors Hospital.
Nag-donate rin ang NGCP 10,000 rapid test kits at 50 testing booths Quezon City government, at 500 pang test kits sa Navotas City.
-Beth Camia