Hiniling na ng grupo ng mga guro sa Kongreso na ipagpaliban ang nauna nang itinakdang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 dahil na rin sa patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa kanilang liham na ipinadala kay Congressman Roman Romulo, chairman ng House Basic Education Committee, na may petsang Agosto 6, idinahilan din ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na “halatang pagkabigo” ng Department od Education (DepEd) sa paghahanda para sa pagpapatupad ng distance learning modality.

Ayon kay TDC national chairman Benjo Basas, dapat ay handa ang DepEd para sa new normal, kabilang ang kakayahan ng mga magulang ng mga batang mag-aaral at iba pang sangkot sa usapin.

Binanggit din nito na maraming guro ang nagpa-positibo sa virus matapos gawin ang kani-kanilang trabaho sa paaralan dahil hindi pa sila handa sa learning modules na gagamitin sa pagtuturo sa pasukan.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

Bukod pa aniya ang pagsasagawa ng fundraising ng mga guro upang may magamit sa pagbili ng kanilang pangangailangan, katulad ng mga papel, ink at printer.

Binanggit ni Basas na sapat na ang mga dahilang ito upang mapilitan si DepEd Secretary Leonor Briones na ipagpaliban muna ang pasukan

-Dhel Nazario