MAGKASANGGA ang Tuason Racing , Phoenix Fuels at Family Mart Philippines sa isinagawang ‘TRS Race for Frontliners’ na nagkaloob ng mga pagkain, health supplies at personal protective equipment sa magigiting ng frontline health workers.

 MAGKAKASAMANG ipinagkaloob ng Tuason Racing, STET-VIP, Family Mart PH at celebrity racers ang ayuda sa frontliners sa isinagawang ‘Race for Frontliners’ charity program.

MAGKAKASAMANG ipinagkaloob ng Tuason Racing, STET-VIP, Family Mart PH at celebrity racers ang ayuda sa frontliners sa isinagawang ‘Race for Frontliners’ charity program.

Nakakuha ng P408,906 budget ang Tuason Racing sa isinagawang ‘Virtual Race for Frontliners’ na siyang ginamit na maipambili ng PPEs at medical supplies tulad ng masks, gloves, sanitizing agents, at gowns para magamit ng healthcare workers sa kanilang walang humpay na paglaban sa COVID-19 pandemic.

Isinagawa ng Tuason Racing ang virtual race upang mapanatiling aktibo ang motorsports community, habang nasa ilalim ng lockdown ang karamihan ng mga lugar sa bansa at gayundin ang makatulong sa frontliners.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong mula sa Tuason Racing’s Race for Frontliners ang Brgy. Valencia, Quezon City; Brgy. Caa, Las Piñas City; Brgy. Tatalon Dos, Las Piñas City; Brgy. Malagasang II-B in Imus, Cavite; Brgy. Tunasan, Muntinlupa City; Brgy. Western Bicutan, Taguig City; Brgy. San Antonio in Sucat, Parañaque; Brgy. San Isidro, Las Piñas Cty; Philippine General Hospital, Armed Forces of the Philippines, PNP Maritime Group, Philippine Coast Guard, at Ospital ng Muntinlupa.