Hindi mababangkarote ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) taliwas sa pahayag ng isang opisyal ng ahensya na posibleng ma-bankrupt ito sa susunod na taon kasabay ng pagsasara nito sa 2022 kung patuloy pa rin ang pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Presidential spokesman Harry Roque sa isang pulong balitaan nitong Biyernes.

Gagawa aniya ng paraan ang gobyerno upang pondohan pa ang nasabing insurance agency.

“Hindi po mangyayari ‘yan. Eventually, PhilHealth is guaranteed by the government. Kung hindi po sapat, gobyerno po talaga ang magdadagdag ng budget sa PhilHealth galing po sa kaban ng taumbayan,” pagdidiin ni Roque.

Eleksyon

Wendell Ramos, pinuri matapos iurong ang kandidatura bilang konsehal

Kailangan na talaga ng PhilHealth ang mga taong hahawak nang husto sa kontribusyon ng mga miyembro nito at sa financial support ng pamahalaan.

“Hindi po natin papayagang mabangkarote ang PhilHealth kahit ano po ang mangyari,” lahad nito.

Iniimbestigahan na ng Senado ang nasabing ahensya kaugnay sa umano’y korapsyon, kabilang na ang P2 bilyong overprice sa pagkuha nito ng IT system at sa umano’y “pekeng” COVID-19 cases.

Nauna nang pinaratangan ni dating PhilHealth-anti-fraud officer Thorsson Montes Keith ang mga opisyal nito na nagnakaw umano ng P15 bilyon sa nabanggit na ahensya.

Itinanggi na ng PhilHealth ang alegasyon.

Nitong Biyernes, inatasan ni Pangulong Rodrigo ang Department of Justice na bumuo ng task foce na mag-iimbestiga sa umano’y korapsyon sa ahensya

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS