Nagbabala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa publiko laban sa mga mapagsamantala na ginagamit ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic upang makapanloko.
Ang paalala ng PAGCOR ay bunsod ng mga reklamo ng ilang indibidwal na nagsasagawa ng ilegal na bingo games at internet online gaming sa pamamagitan ng Facebook para makapanloko at makakuha ng impormasyon.
Pinaalalahanan ng PAGCOR ang publiko na huwag tangkilikin ang nasabing modus para makaiwas sa pambibikitma ng mga mapagsamantalang indibidwal.
“Isang krimen ang pagtaya sa illegal gambling activities o anumang uri ng sugal na hindi pinahihintulutan,” giit ng PAGCOR.
Beth Camia