Malalakas na pag-ulan ang inaasahang magpapabaha sa malaking bahagi ng Bicol bunsod na rin ng bagyong ‘Enteng’.

Ito ang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon at sinabing kabilang sa maaapektuhan ng bagyo ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, at Masbate sa loob ng 24 oras.

Maapektuhan naman ng pag-ulan bunsod ng southwest monsoon ang Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon, northern Palawan, Calamian, Cuyo at Kalayaan Islands.

Iiral naman ang monsoon rains sa Pangasinan, Metro Manila, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Marinduque, natitirang bahagi ng Palawan, Laguna, Rizal, Quezon, Antique, Aklan, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Ngayong araw, inaasahang lalakas ang southwest monsoon sa

Pangasinan, Zambales, Bataan, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Calamian Islands, Kalayaan Islands, gayundin sa ilang bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 420 kilometers (km) east-northeast ng Casiguran, Aurora o 445 km east ng Tuguegarao City, kahapon ng umaga.

Taglay nito ang hanging 55 kilometers per hour (kph) at bugsong hanggang 70 kph. Kumikilos ang bagyo pa-Hilaga sa bilis na 25 kph.

Tiniyak naman ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na hindi tatama sa kalupaan ang bagyo dahil mabilis ang pagkilos nito pa-Hilaga at inaasahang nasa labas na ng bansa ngayong hapon.

-Ellalyn De Vera-Ruiz at Jun Fabon