Kinumpirma ng Manila City government na nakahanda na ang P200 milyong pondo na ipambibili ng lokal na pamahalaan ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), sa sandaling maging available na ito sa merkado.

Ito ay nang lagdaan na ni Moreno ang Ordinance No. 8659 na naglalaan ng P200 milyong supplemental budget para sa Fiscal Year 2020 na gagamiting pambili ng COVID-19 vaccines para sa mga residente ng lungsod.

Siniguro rin ni Moreno na magkakaroon ng bakuna ang lahat ng Manilenyo kontra sa naturang virus.

-Mary Ann Santiago
National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor