Nasa desisyon na ng mga mambabatas kung itutuloy ng pamahalaan ang ikatlong tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ito ang inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagsabing sakaling ipatutupad ng mga mambabatas ang ikatlong tranche ng SAP ay handa naman ang nasabing ahensya.

“Nakasalalay po sa ating mga mambabatas ang pagbibigay ng third tranche ng SAP. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay tagapagpatupad lamang at nakahanda tayong gawin ang mga utos ng mga nakataas sa atin,” paglilinaw ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje.

Nauna nang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinag-uusapan ang posibilidad ng SAP 3 sa kabila ng umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal na nagsimula nitong Agosto 4 hanggang 18.

Eleksyon

ACT-CIS, Duterte Youth, PPP, at 4PS, nanguna sa 2025 Party-List Survey

Beth Camia