In-upload na ni Direk Cathy Garcia Molina sa kanyang Youtube channel na Nickl Entertainment ang ikalawang bahagi ng tsikahan nila ng mga sikat na direktorang sina Mae Cruz-Alviar, Irene Villamor, Sigrid Andrea Bernardo at Antoinette Jadaone na may titulong ‘Girls Wanna Have Fun - Paha-Bowl, kung saan bubunutin virtually ang mga tanong.
Ang tanong ay ‘Kung ikaw ang maglalagay ng titulo sa movie mo, ano ang ita-title mo at bakit?’ Nahirapang sagutin ng limang box-office directors ang tanong kaya humingi muna sila ng ilang minuto para makapag-isip.
Si direk Mae ang unang sumagot, “Ako siguro is Second Chance, I can’t think of a nicer way of putting it pero kasi my life has all about second chances. Parang merong big mistake that you made in your life and then nagbago ka from it and then given a second chance and then my marriage with my husband parang it’s a second chance. You know its all about second chance and I feel like I’m still trying to look for my second chance. And (genre ng movie), parang rom-dram (romantic-drama).”
Dahil ang pelikulang Kita Kita (Empoy at Alessandra de Rossi) palang ang blockbuster movie ni Direk Sigrid, “Ako naman gusto ko Kumikita-Kita, kasi sana kumita naman ako (karamihan sa pelikula ay hindi blockbuster).”
“Sorry but This is Me. First thing that came into my mind is Ako ay Ako! Siguro kasi dito sa hindi lang sa industry pati in life parang ang daming expectations say o ng tao, parang especially when doing movies parang lahat na lang may nasasabi, in everything that you do. Laging may mali, so, I realized you cannot please everybody and sometimes wina-wonder mo, should you change to please them? Which bring insecurity sa akin pero sabi nga ni Inang (Olive Lamasan), ‘there’s no shame in doing what you know best so kung mainstream ako at rom-com (romantic comedy) ang alam ko, I’m sorry pero heto ang kaya kong gawin so, siguro ‘yun. Hindi ko ipipilit na gustuhin n’yo ako. I cannot make everyone like me but, This is Me.”
Para kay direk Irene, “Meron lang akong gustong title, pero hindi ko alam kung ano siya sa buhay ko, kasi wala naman akong pakialam sa buhay ko, ha, ha, ha. Kasi wala akong pakialam as in, hindi ako nag-i-ipon, hindi ako nagi-insurance ayoko ng kotse, ha, ha so, wala akong pakialam, basta huwag lang akong magka-COVIDngayon kasi mahirap. Ito matagal ko ng gustong gawing title ng movie, hindi ko alam kung may producer na papayag, hindi ko rin alam kung anong mayroon sa title na ito from Robert Frost poem na What to Make a Diminished Thing, ‘yun lang, parang gusto ko rin siyang i-tattoo rito (kaliwang kamay) naman.”
Nagandahan naman sina direk Cathy, Mae, Tonette at Sigrid at lahat sila nangakong papanoorin nila kapag ginawang pelikula na ito ni direk Irene.
At si direk Tonette, ‘’ ako naman mantra ko kasi ito, ‘Manalig, Umibig, Lumigaya’ so baka experimental film ito, ha, ha, ha.’’
Pinayuhan na kaagad ni direk Cathy si Tonette na gawin na kaagad dahil maganda at hindi naman pang-experimental ang titulo, puwedeng mainstream.
Panay naman ang protesta ni direk Sigrid dahil siya lang daw ang may pinaka-pangit na titulo dahil nga akala niya commercial. Kaya naman pinayagan siya ni direk Cathy na magpalit ng titulo.
Hirit ni direk Tonette, “maganda naman ‘yung pinili mo.”
“Parang wala nga, gusto ko lang talagang kumita lalo na ngayon Covid,” sagot kaagad ni direk Sigrid.
“Oo nga, sino bang hindi, kaya nga meron tayong ganitong show, “saad naman ni direk Cathy.
Pero hindi na rin nagpalit pa ng sasabihin niya si direk Sigrid, pinangatawanan na niyang gusto talaga niyang kumita ang mga pelikulang susunod niyang gagawin kapag wala na ang Covid.