Nabigo si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president and chief executive officer Ricardo Morales na tanggalin ang korapsyon sa ahensya.
Ito ang reaksyon ni Presidential spokesman Harry Roque, kahapon.
“When he was placed there by the President to replace a board and a previous president because of the Wellmed scam, our expectation is that he would take concrete steps to rid the agency of corruption,” paglalakad ni Roque nang kapanayamin ng CNN Philippines.
Dismayado rin si Roque sa pag-amin ni Morales nang isalang sa isang pagdinig ng Senado nitong Martes (Agosto 4) na “talamak pa rin ang korapsyon sa ahensya”.
“I did not hear steps he had taken to remove corruption in the agency. That to me is the most worrisome,” pahayag ni Roque.
Bukod sa pagdinig ng lehislatura, binanggit ni Roque na inatasan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Malacañang Undersecretary Melchor Quitain na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng umano’y korapsyon sa PhilHealth.
“I am just happy two branches are government are investigating these allegations of fraud. As I said our Universal Health Care Law cannot succeed unless we rid PhilHealth of corruption,” sabi ng opisyal.
Kaugnay nito, inihayag ni Roque na nasa desisyon na Morales kung magli-leave ito o magbibitiw sa puwesto habang isinasagawa ang imbestigasyon sa usapin.
“I am not in a position to tell him what to do. The President has said that he will not fire him unless there is evidence,” dagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo.
-JEFFREY DAMICOG