Posibleng mawawalan ng P180 bilyon ang bansa dahil sa ipinaiiral ngayong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at sa ibang lugar sa Central Luzon at Calabarzon.
Gayunman, sinabi nina Marikina Rep. Stella Quimbo at Albay Rep. Joey Salceda na tama si Pangulong Duterte sa pagkakaloob nito ng 15 araw na lockdown alinsunod sa kahilingan ng mga doktor at health workers sa Metro Manila at mga kalapit na rehiyon.
“Though we stand to lose P12 billion per day, I support the shift from GCQ to MECQ for NCR and others, given the recent spikes in new COVID cases. Our medical frontliners are in the best position to assess whether our health care system still has the capacity to care for our increasing number of COVID patients,” paliwanag ni Quimbo.
“Kapag ang isang pamilya ay ligtas, ligtas din ang komunidad at ang buong bansa ay ligtas sa pandemya kung kaya makauusad ang ating ekonomiya at bawat manggagagawa ay muling makapagtatrabaho at kikita para sa kanyang pamilya,” aniya.
Quimbo.
“We have seen that the supposed ‘tradeoff’ between public health and the economy is superfluous. These are correlated outcomes, with the abatement of the crisis being the leading determinant of market confidence. A stronger grip on public health outcomes drives market confidence, and confidence is everything in economics,” paliwanag ni Salceda na chairman ng House ways and means committee.
-Bert de Guzman