Lumagpak ang paglago ng ekonomiya ng bansa para sa 2nd quarter ng taong 2020.
Ito ay matapos ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 16.5 percent ang naitala ng Gross Domestic Product (GDP) na pinakamababa simula noong 1981.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, malaki ang naging epekto ng pagpapatupad ng quarantine measures sa buong bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan nasa halos 75 porsyento ng negosyo ang apektado.
Sa rekord, sinabi ni Mapa na ito na ang ikalawang beses na nakaranas ng magkasunod na recession ang bansa, saan una ay noong 1st quarter ng 2020 na nakapagtala ng -0.7 percent na ang itinuturong dahilan ay ang pagputok ng Bulkang Taal at ang epekto sa turismo dulot ng COVID-19.
-Beth Camia