OHIO - Kumubra si Bianca Pagdanganan na isa pang impresibong laro sa kabila nang pahirapang kondisyon sa final round para sa matikas na pagtatapos sa LPGA Drive On Championship nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Toledo, Ohio.

bianca

Umiskor ang Pinay shotmaker, bahagi ng matagumpay na team champion sa 2018  Asian Games, ng 73 sa larong may limang players lamang ang nakaiskor ng under-par.

Nakubra ni Pagdanganan ang kabuuang iskor na 220 para sa ika-28 puwesto, katabla si dating world No. 1 Lydia Ko, na tumapos na may 71.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Kumana ang 22-anyos ng tatlong birdies, kabilang ang back-to-back mula sa No. 12, bago sumadsad sa apat na bogeys. Naiuwi niya ang premyong US$6,862 (P330,000) sa kanyang international pro debut game.

Tumapos si Clariss Guce sa 224 (76) para sa ika-64 puwesto.

Nakopo ni Danielle Kang ng US ang titulo sa final-round 70, isang stroke ang layo kay Celine Boutier ng France. Naiuwi ni Kang ang US$150,000.