TIYAK na tuwang-tuwa ang MayWard supporters dahil sa gitna ng COVID-19 pandemic ay may project sina Maymay Entrata at Edward Barbers.

maymay at edward

Base sa report ng TV Patrol nitong Linggo ay hindi kasama si Edward sa bagong project ni Maymay pero suportado naman ito ng aktor.

Iba ang mga makakasama ni Maymay sa digital project ng Star Cinema na The Four Bad Boys and Me na pawang mga baguhan pa.

Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary

Paliwanag naman ni Maymay ay tanggap nila ni Edward na hindi sa lahat ng proyekto ay magkasama sila dahil kailangan din nilang maipareha sa iba.

At maganda raw ito sa karera nilang dalawa, “Okay lang naman po na may solo projects kami ni Edward kasi meron rin naman siyang ibang trabaho and meron ding ibinibigay sa akin na wala po siya. Tapos nagkakasama rin naman po kami sa iWant ASAP and may upcoming project din po kami.”

Dagdag pa, “Bilang isang Maymay, kapag mag-isa lang ako, importante din sa love team na naggo-grow kayo individually.

“So, kahit last year pa, may mga proyekto na kami ng solo, like ‘yung Hello, Love, Goodbye ko tapos si Edward sa First Love with Sir Aga (Muhlach).

“Hindi naman mahirap, bale ang importante doon, ine-enjoy namin at ginagawa pa rin namin ang best namin kahit solo naming project.

“Suportahan sa isa’t isa, kasi ganito, every time na may solo project ako at meron din siya, minsan nagkakataon, magkasabay din mga schedule namin.

“Kaya minsan sabay pa rin kami mag-workshop, minsan mag-acting workshop pa rin kami, nagpapalitan pa rin kami ng ideas sa characters na ginagawa namin ganyan, tulong-tulong pa rin naman po.”

Anyway, ang The Four Bad Boys and Me ay kakaibang Maymay ang mapapanood nila at biro nga ng dalaga,“baka ‘yung mga viewers ang ma-in love sa akin, tsaka si Direk (Joel Ferrer). Ha-ha ha ha! Narrator kasi ako rito at gusto ko ‘yung ginagawa ko. Parang para sa viewers and listeners, ako rin ‘yung tutulong sa kanila para mas lalo nila maintindihan ang story.”

Challenge nga raw sa cast ng The Four Bad Boys and Me dahil umaarte sila at nakikipagpalitan sila ng dayalogo ng hindi nakikita ang kausap at sa kani-kanilang bahay nila ang shooting.

Mapapanood naman na The Four Bad Boys and Me sa Agosto 27 sa YouTube channel at Facebook page ng Star Cinema.

-REGGEE BONOAN