July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

SPED Center sa Zamboanga City, nilooban at binaboy ng ilang menor de edad!

SPED Center sa Zamboanga City, nilooban at binaboy ng ilang menor de edad!
Photo courtesy: Tukuran SPED Center

Sira-sira at dugyot na classroom ang bumungad sa isang Special Education (SPED) Center sa Zamboanga del Sur noong Hunyo 24, 2026.

Sa Facebook post ng Tukuran SPED Center, ibinahagi nila ang mga larawan kung paano umano nababoy ang loob ng silid-aralan. Ayon sa kanila, hindi raw ito ang unang beses na biniktima sila ng mga nanloloob sa mga paraalan.

"This is not the first time this has happened. Our school has suffered repeated incidents like this, affecting not only property but also the learning environment of our children," anang Tukuran SPED Center.

Saad pa nila, mas nakakapanlumo umano na mismong mga menor de edad pa raw ang sangkot sa panloloob sa kanilang classroom dahil sa katwirang makakalusot naman sila sa batas.

"What makes it even more painful is knowing that the individuals involved are minors who may think that their age frees them from responsibility," anila.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Bunsod nito, nanawagan sila ng pananagutan sa sinapit ng kanilang classroom at mariing iginiit na hindi raw dapat maging dahilan ang murang edad upang hindi mapanagot sa mga maling gawain.

"We are not asking for harsh punishment. We are asking for accountability, proper intervention, and parental guidance. Being young should never be an excuse to destroy, steal, or disrespect the efforts of teachers, parents, and the community," anang Tukuran SPED Center.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matunton ang mga salarin.