LAKE BUENA VISTA, Florida (AP) — Nagtala ng malaking numero si Anthony Davis sa naiskor na 42 puntos at 12 rebounds para sandigan ang Los Angeles Lakers sa 116-108 panalo kontra Utah Jazz at angkinin ang No. 1 seed sa Western Conference playoffs nitong Lunes (Martes sa Manila).

Tangan ng Lakers (51-15) ang anim na larong panalo bentahe sa pumapangalawang Los Angeles Clippers. Sa kabila ng kabiguan, pasok na rin sa playoff ang Utah (42-25) bilang No.5 seed sa West, half-game ang layo sa Houston at half-game sa harapan ng Oklahoma City.

Nakumpleto ni Davis ang 4-point sa huling 42 segundo ng laro matapos ma-fouled ni Rudy Gobert para sa 114-104 bentahe ng Lakers.

Nakaganti ng sariling 4-point play si Donovan Mitchell may 36 segundo ang nalalabi,s ubalit nagpakatatag ang Lakers ay senelyuhan ni Davis ang panalo sa dalawang free throw may 5.2 segundo ang nalalabi.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Kumana si LeBron James ng 22 puntos at tumipa si Dwight Howard ng 11 puntos at may 10 puntos si Kentavious Caldwell-Pope.

Nanguna si Mitchell sa Jazz na may 33 puntos, habang tumipa si Mike Conley ng 24 puntos at humirit si Gobert ng 16 puntos at 13 rebounds.

RAPTORS 107, HEAT 103

Hataw si Fred VanVleet sa naitumpok na career-high 36 puntos, tampok ang pitong three-pointer sa panalo ng Toronto Raptors laban sa Miami Heat.

Kumikig si VanVleet, nakatakdang maging ‘unrestricted free agent’ sa susunod na season, sa naisalpak na 7 of 12 sa 3-point arc at perpekto sa 13 of 13 sa foul line, sapat para maglagpasan ang dating 34-point total laban sa Pelicans nitong Disyembre.

Mapapaso na ang two-year, $18 million contract ng 28-anyos, na malaki ang naiambag sa kampeonato ng Raptors laban sa Golden States Warriors kung saan naitala niya ang averaged 17.5 untos at 6.7 rebounds.

Hataw din si Pascal Siakam na may 22 puntos, habang nag-ambag si Kyle Lowry ng 14 puntos at walong rebounds para maabatan ang ‘sweep’ sa Heat na nagwagi sa kanilang unang dalawang laro ngayong season. Tangan ng Raptors ang (2-0) sa bubble.

Nanguna si Goran Dragic sa Heat na may 25 puntos.

SIXERS 132, SPURS 130

Naisalpak ni Shake Milton ang go-ahead 3-pointer may 7.2 segundo ang nalalabi para maialpas ang Philadelphia 76ers kontra San Antonio Spurs.

Kumana si Joel Embiid ng 27 puntos at siyam na rebounds para sa 76ers, umabante sa 14-puntos sa fourth quarter at nakabawi matapos maghabol sa apat na puntos sa huling apat na minuto.

Nag-ambas sina Tobias Harris na may 25 puntos at Josh Richardson na kumana ng 19 puntos para sa 76ers.

Nanguna si DeMar DeRozan sa Spurs sa naiskor na 30 puntos, kabilang ang 13 sa fourth quarter, habang tumipa sina Rudy Gay ng season-high 24 puntos at Derrick White na may 20.