MAY payo si Arnell Ignacio kay Jennylyn Mercado tungkol sa pagiging active ng Kapuso actress sa pagko-comment at pagre-react sa isyu ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19.

jennylyn

Post ni Arnell sa Facebook: “Payo lang, wag niyo pasukin ang hindi ninyo linya. You have very successful careers dahil mahusay kayo sa linyang pag aartista. Do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin ninyo mga careers ninyo.”

Dahil sa sinasabing “pag-iingay” ni Jennylyn, may mga na-turn off sa kanya at nag-unfollow sa kanya sa social media. Nakakakuha rin siya ng bashing at negative comments na mukha namang hindi nagpapaapekto sa Descendants of the Sun leading lady.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Saka, marami rin naman ang pumupuri sa kanya at bilib sa kanyang tapang na magsalita sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Hindi in-expect ng netizens na ganito katapang magsalita ang Kapuso aktres na nagsimula sa franchise renewal hearing ng ABS-CBN at pati dito sa COVID-19 pandemic.

Anyway, may series of tweets si Jennylyn na sabi ng netizens na nakabasa ay sagot kay Arnell, kahit walang binanggit na pangalan si Jennylyn.

“The moment you hinder someone from speaking their mind is the moment you failed to respect the rights of your Fellow Filipino...?

“May qualification ba dapat bago ka magkaron ng karapatan na magkomento sa mga isyung panlipunan? Hindi ba sapat na mamamayan ka ng Pilipinas at nagbabayad ka ng buwis? Bakit kung kelan Pandemya na lahat tayo ay apektado saka ang iba ay pilit na pinatatahimik.”

“Naguguluhan na ako. Bakit parang nakalimutan ng ibang tao irespeto ang iba kahit iba ang opinyon nila? Hindi ba yun ang isa sa mga unang tinuro ng ating mga magulang?”

“Yun ang problema... pag iba ang opinyon mo sa iba nakakalimutan na nila rumespeto sa kapwa.”

Muli, iba-iba ang reaction ng netizens sa series of tweets na ito ni Jennylyn, hindi lahat naintindihan siya. Pero naniniwala kami na hindi mapapatigil ng mga namba-bash sa kanya ang aktres at patuloy itong magsasalita.

-NITZ MIRALLES