Pinakikilos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa karaingan ng medical community sa bansa na muling isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila (MM) para makapagpahinga ang mga ito.
Ito ay dahil kinukonsidera ng pamahalaan ang “skilled, tireless and dedicated healthcare workers” bilang mahalagang frontliners sa giyera kontra COVID-19.
“We are grateful for their immense contributions to heal our people and our nation during these difficult times,” pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Banggit nito, napakinggan na ng Malacañang at ni Pangulong Duterte ang boses ng mga ito.
“We cannot afford to let down our modern heroes. This is our commitment,” pagdidiin ni Roque.
Nauna nang sinabi ni Dr. Maricar Limpin, Vice President ng Philippine College of Physicians, nirerekomenda nila ang pagbabalik ng Metro Manila sa ECQ kahit panandalian lamang o dalawang linggo.
-Beth Camia