Hindi pa raw sapat ang libu-libong namamatay dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ang drug campaign ng pamahalaan kaya isinusulong pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusang kamatayan.
Paliwanag ni Senador Leila de lima, ang buong mundo ay naghahanap ng solusyon para mabuhay ang sangkatauhan, maliban na lang sa pangulo na isunusuklong pa rin ang death penalty.
“In a moment of sheer shamelessness, Duterte proved that he is more than willing to continue to take undue advantage of a health and public safety crisis in order to move against the interests of his own people, this time in a bid to satisfy his lust for dead Filipinos,” sabi nito.
Aniya, ang kamatayan dulot ng virus ay hindi pa sapat ara sa Pangulo at ang nais niya ay ang kamatayan na galing sa kanyang kamay, legal man o hindi.
-Leonel Abasola