Nagpatupad ang ilang kumpanya ng langis ng dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) sa bansa kahapon.
Sa pahayag ng Petron, epektibo ang pagtataas ng P0.15 sa presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, katumbas ng P1.65 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito, kahapon dakong 12:01 ng madaling araw.
Bukod dito, ipinatupad din ng nasabing kumpanya ang dagdag-presyong 10 sentimos sa kada litro ng Auto LPG na karaniwang ginagamit sa taxi.
Agad itong sinundan ng Phoenix na nagtaas ng kaparehong presyo sa LPG at Auto LPG nito.
Mas mababa naman ang ipinatupad ng Solane na umabot lamang sa 13 sentimos na price increase sa kanyang LPG, dakong 6:00 ng umaga.
Ikinatwiran ng mga ito ang paggalaw ng LPG sa pandaigdigang merkado.
-Bella Gamotea