Inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na halos 59 porsiyento na ang completion rate ng konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).
Ayon sa DOTr, Agosto, 2001 nang unang isumite ang MRT-7 unsolicited Proposal sa noon ay Department of Transportation and Communications (DOTC) pa.
Noong Agosto 2008 naman nang mangyari ang MRT-7 concession agreement signing.
Gayunman, inabot pa ng 20 taon bago naumpisahan ang aktuwal na konstruksyon ng proyekto.
Ayon sa DOTr, 58.95 porsiyento nang kumpleto ang 22-km rail line.
Target ng ahensya na matapos ang proyekto sa 2022.
Sa sandaling matapos na ang MRT-7, inaasahan na ang biyahe mula North Avenue sa Quezon City hanggang sa San Jose Del Monte, Bulacan na aabutin na lang ng 35-minuto.
-Mary Ann Santiago