MARAMI ang naiinggit kay Alessandra de Rossi sa pinost niyang blank check na ayuda ng Spring Films. Blank check at ibig sabihin, siya na ang magsulat ng amount kung magkano ang gusto niyang i-withdraw sa savings ng mga producer na sina Piolo Pascual, Erickson Raymundo at director Joyce Bernal.

alessandra

Kaya sabi ni Alex, “Grabe @springfilms! Nakakaiyak yung #ayuda nyo sa akin! Deserve na deserve ko! Can’t wait for #FuffyandFream! I love you to the orions belt!”

Kaya lang, kapag tiningnan mabuti ang blank check, malalamang stale check na ito dahil September 19, 2019 ang nakalagay na petsa. Kaya pala sabi ni Alex sa mga natawa, “ako naiyak muna tapos natigil! Tumawa ako hanggang sa cosmos!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pinagtawanang na lang ni Alex ang prank sa kanya nina Piolo, Erickson, at direk Joyce. Hindi bale, maganda naman ang nakasulat sa ipinadalang letter. Tinawag siyang “pinakamagandang nilalang sa panahon ng pandemic” at sinabihan siyang kapag kumita ang pelikulang Fuffy and Fream na si Alex ang director at kapareha ni Piolo, saka pa lang niya ma-i-encash ang tseke dahil walang pondo ang Spring Films.

Hindi lang sana ayuda ang check na natanggap ni Alex from her producers, birthday gift din sana ‘yun, kaso bulilyaso.

-Nitz Miralles