IBINALITA ni Dr. Vicki Belo sa Instagram account niya na natuloy na rin sa wakas ang delayed honeymoon nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Hindi binanggit ni Dr. Vicki kung saan ang honeymoon nina Matteo at Sarah, pero kasama ang anak na si Scarlet Snow at kasama rin siya dahil alangan namang ang magha-honeymoon ang mag-aalaga kay Scarlet.

sarah at matteo

Ang clue lang ng lugar kung saan nag-honeymoon sina Sarah at Matteo ay may dagat at by land travel dahil ang sinakyan nila papunta sa honeymoon ay van ni Matteo.

Nakakatuwa ang comment ng netizens, sana raw magbuntis na si Sarah para ‘pag may baby na sila ni Matteo at may apo na ang parents ng singer-actress, maalis na ang tampo nito kina Sarah at Matteo.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

-Nitz Miralles