TILA hindi na maitatanggi ang closeness ng Kapamilya stars na sina Bea Alonzo at Dominic Roque na madalas magkasama sa iba’t ibang okasyon noon pang 2019, kaya naman tumitindi ang hinalang may espesyal nang namamagitan sa dalawa.

Lalong gumatong sa mga haka-haka ang mismong Instagram post ni Dominic nitong Martes ng gabi na larawan ng isang lalaki at isang babae sa isang ramen house.

Natatakpan ng curtain ang kanilang mga mukha, maliban sa bahagi ng kanilang baba. Bagamat may divider sa pagitan nila, mahihinuha ring nagtitinginan sila base sa anggulo ng kanilang mga ulo.

Mapapansin na ang lalaki ay nakasuot ng black T-shirt na may malapad na horizontal red stripe sa gitna. Naka-black blazer naman ang babae, na nakapalumbaba gamit ang kanang kamay. May suot na gold bracelet o watch ang babae.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Base sa location na nakalagay sa post, kuha ang larawan sa Tokyo, Japan.

Tanging caption ni Dominic dito: “tila ako’y nabighani… [heart emoji].

Matatandaan na noong last November ay nag-post si Dominic sa IG ng larawan nito mula sa biyahe niya sa Tokyo, Japan.

Tugma ang mga outfit nina Dominic at Bea sa kasuotan ng dalawang tao sa recent post ni Dominic, at pareho ang kanilang mga pose sa picture. Kaya ‘di makakailang sina Bea at Dominic ang nasa larawang ipinost ng aktor. Ibig sabihin nito, ang tinutukoy ni Dominic sa kanyang caption na “tila ako’y nabighani” ay walang iba kundi si Bea. Kung ita-tap ang photo, makikitang naka-tag si Bea rito. Nag-trending topic ang actor dahil sa kanyang Instagram post.

Nito lamang Abril, nag-post ng larawan sa Instagram si Bea kasama ang kanyang pet dog na Maltese.

Ginamitan ng camera trick na upside-down reflection ang larawang ito ng aktres at ng kanyang aso, subali’t matalas ang mga mata ng netizens.

Natandaan nilang may kuha si Bea na ginamitan ng ganitong camera trick sa kanyang Japan trip noong November 2019. Ang naka-credit sa shot—si Dominic, na kasama ni Bea sa Japan.

Nito lang Abril ay may espekulasyong magkatuwang sina Bea at Dominic sa pamamahagi ng relief para sa frontliners.

Gumawa ang aktres ng face shields para sa health workers noon. Sa isang larawan, makikita siyang nasa tapat ng bahay at inihatid ang raw materials para sa paggawa ng face shields. At sa kanyang likuran ay makikita ang isang itim na pick-up truck.

Hinihinalang kay Dominic ang naturang sasakyan dahil kapareho ito ng kulay ng pick-up vehicle ng aktor.

May nag-circulate din noong isang stolen shot, kung saan makikita sina Bea at Dominic, kasama ang isang taga-Star Magic, na nasa grocery.

Noon pa man, simula nang maglabasan ang mga clue na ito, sinabi ng supporters ng dalawa na walang masama kung may namamagitan sa kanila dahil pareho silang single.

-Ador V. Saluta