Isang dating pulis ang napatay nang barilin ng hindi nakikilalang lalaki habang nag-e-ehersisyo sa rooftop ng bahay nito sa Malate, Maynila, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Manila Police District (MPD)-Malate Police Station 9 (PS-9) ang biktima na si Rolando Yulo, 49, taga-740 Balingkit Street, Malate, at isang dating pulis.

Sa salaysay ng mga saksi na hindi pinangalanan, nakaupo ang biktima habang nag-e-exercise sa rooftop ng kanyang limang palapag na bahay nang maganap ang krimen, dakong 6:10 ng gabi.

Bigla na lamang umanong binaril ng suspek ang ulo ng biktima.

Isinugod si Yulo sa Manila Doctor’s Hospital ngunit binawian din ito ng buhay.

Kauna-unahang abogadong Mangyan, pumanaw na!

Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

-Mary Ann Santiago