VERY proud si Jessy Mendiola sa boyfriend niyang si Luis Manzano dahil tahimik na tumutulong sa mga empleyado na nawalan ng trabaho.

jessy at luis

Post ni Jessy: “This man has been working the phone for the past 3 days. Meron siyang ginawang job fair group kasama ang iba niyang mga kaibigan para mailipat at makatulong sa ibang kapamilya employees na nawalan ng trabaho. Alam ko na hindi ko na dapat ito i-post. Pero sobrang proud ako sa’yo love. You’ve been putting others first before yourself. Ang pinakaunang reaksyon mo nung nahatulan ng denial ang franchise renewal “paano yung staff ko? (meaning paano daw yung staff niya sa mga shows niya). Hindi ka nagpo-post about it, kaya ako na lang. Sinasabi ng iba, tahimik ka lang daw sa kasagsagan ng nangyari. Ang hindi nila alam..gumagalaw ka na para para sa mga nawalan ng trabaho. Hindi man lahat matutulungan mo, ang importante ginagawa mo lahat abot sa makakaya mo. Sobrang buti ng puso mo. Sobrang thankful kami sayo. Maraming salamat @ luckymanzano. Mahal na mahal ka namin.”

May taxi fleet si Luis kasosyo ang mga kaibigan at puwede siguro niyang ipasok ang ilang na-retrench na wokers ng ABS-CBN. Ang iba naman, sa ibang negosyo ni Luis sila puwedeng ipasok. Sabi nga ni Jessy, ang importante, tumutulong si Luis.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Speaking of Luis and Jessy, binuking ni Vivian Velez na gusto nang pakasalan ni Luis ng GF. Pinost ni Vivian ang tungkol dito at sabi, “Jessy Mendiola’s mom, Didith is my second cousin. Last February, Luis Manzano expressed his desire to marry

Jessy. You made the right choice Lucky...#couple goals. Sa nag-comment na hindi pa nagpo-propose si Luis, ang sagot ni Vivian dahil may COVID pa.”

-NITZ MIRALLES