NAG-LAST taping day na ang teleseryeng Love Thy Woman nitong Sabado ng madaling araw at bago naghiwa-hiwalay ang ilang cast tulad nina Yam Concepcion, Dominic Ochoa, Eula Valdez, Xian Lim at Kim Chiu ay ipinagdiwang muna nila ang kaarawan ng kasama sa show na si Sunshine Cruz nu’ng Biyernes sa 9501 Restaurant, 14th Floor ng ELJ Building, ABS-CBN.

Nakita namin ang post ni Yam sa IG na may konting kainan silang lahat para sa kaarawan ni Sunshine.
Ang dami naming nakikitang post na masaya ang samahan ng LTW at nagpapasalamat sila dahil kahit hindi na nabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN ay itinuloy pa rin ang kanilang teleserye para makapagpaalam ng maayos.
Mapapanood pa rin ang Love Thy Woman sa iWant, TFC, Kapamilya Channel sa Skycablem, YouTube at iba pang online platform ng ABS-CBN.
Anyway, ang LTW ay magtatapos na ngayong Agosto mula sa Dreamscape Entertainment at mula sa direksyon ni Andoy Ranay, Jeffrery Jeturian at Jerry Lopez Sineneng.
-Reggee Bonoan