SUNDAY morning, July 19, ilang oras pa lamang nai-post ni Kapuso star Bianca Umali ang sweet photo shoot nila ni Kapuso star Ruru Madrid sa kanyang Instagram, after 11 hours nakakuha na agad ito ng more than 132,338 likes at 2,267 comments mula sa mga kapwa Kapuso stars nila, fans and netizens. Mukhang pabor na pabor silang lahat sa relasyon ng dalawa na matagal din muna nilang inilihim, more than a year ago, although hindi sila sumasagot ng ‘oo’ o ‘hindi,’ ngiti lamang ang sagot nila sa mga nagtatanong sa kanila.

ruru at bianca

Isa sa nag-comment agad ay si @rurumadrid Kiligs (with three heart emojis). Ilan pa sa masayang nag-comment sina Bea Binene, Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz, Chyn Ortaleza, Mark Herras, Camille Prats, Bubuy Villar, Lovely Abella, Mikee Quintos, Michelle Dee at marami pang iba. Maraming natuwa na naka-on ang comment box, ibig sabihin daw ay okey kay Bianca ang mga sasabihin ng bashers.

Nagsimula si Bianca sa showbiz na si Miguel Tanfelix ang kanyang ka-love team at more than ten projects, teleseryes and movies, ang kanilang nagawa, at ang kanilang love team ay tinawag na BiGuel. Isa sa nag-comment si @jassyyyyy16 I’m a big fan of you and Miguel. Sadly you don’t ended up with each other, maybe you’re not really meant to be. I hope you’re happy with ruru. Sabi naman ni @bncahrnaez @bianxa stay strong both of you, bagay na bagay po kayo ni @rurumadrid8.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

As to the BiGuel love team, wala pang sinabing project na gagawin sila sa GMA Network. Pero si Bianca, may sisimulan nang series, tentatively titled Legal Wives na makakasama niya sina Alice Dixson at Megan Young with Dennis Trillo.

-NORA V. CALDERON