CABANATUAN CITY – Dalawang lungsod, at walong bayan sa Nueva Ecija ang nananatiling hindi nahahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOJ) sa naturang lalawigan.

Tinukoy ng ahensya ang dalawang siyudad na kinabibilangan ng Palayan City at Science City of Muñoz.

Kabilang naman sa walong munisipalidad ang Carranglan, Nampicuan, Llanera, Lupao, Talugtog, Bongabon, Penaranda at Gen. Tinio.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Binanggit naman ni City Mayor Adrianne Mae Cuevas, kahit nananatiling walang nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod, hindi aniya sila dapat makampante, lalo pa’t tuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso nito sa iba pang lugar sa lalawigan.

-Light A. Nolasco