POSIBLENG may kasabwat ang isang non-plantilla employee ng Philippine Sports Commission (PSC) na sabit sa ‘payroll padding’ ng mga miyembro ng National team at coaches.

Fernandez

Fernandez

Isiniwalat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa liverstreaming media conference Miyerkules ng hapon na mas malalim na imbestigasyon ang kanilang isinasagawa upang matukoy at ma-establish ang ‘connivance and conspiracy’ sa naturang anomalya.

‘We’re looking deeper sa aspect of connivance and conspiracy. Iyan ang tinututukan namin sa ngayon,” pahayag ni NBI Special Action Unit Chief Emeterio Dongallo Jr.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Nitong Martes, humingi ng tulong si PSC Officer-In-Charge Commissioner Ramon Fernandez sa NBI matapos matuklasan ang anomalya at kaagad na dinampot ang empleyado na si Paul Michael Padua Ignacio ng Personnel Department sa bisa ng ‘warrant of arrest’.

Sa inisyal na pagsusuri, umabot na umano sa P14 milyon ang nakuha ni Ignacio sa naturang

operasyon sa nakalipas na limang taon. Kasalukuyan siyang nakapiit sa NBI Detention Center habang hinahanda ang kasong ‘qualified theft’ laban sa kanya.

‘Malaking kaso na ito, dahil hindi siya permanent employee but we’re still looking to file charges of ‘graft and corruption, once ma-establish natin na may kasabwat siyang permanent employee o official,” pahayag ni NBI Deputy Director Vicente De Guzman III.

Ikinatuwa naman ni Fernandez ang pagkadiskubre ng anomalya at iginiit na ibinibigay nila sa NBI ang lahat at kooperasyon sa imbestigasyon upang matukoy kung may kasabat si Ignacio at malansag ang sistema na aniya’y malaking dagok sa ahensiya at sa mga atleta.

“Talagang masakit ito lalo na sa akin dahil dati rin akong atleta. Yung pondo natin hangga’t maari tinitipid natin. Dahil sa COVID-19, binawasan namin ng 50 percent yung allowances nila para magkasya hanggang December, tapos ganito lang pala at napupunta sa kalokohan,” pahayag ni Fernandez.

“This is a wake-up call sa mga empleyado at sa mga opisyal. Hindi maitatago ang mga kalokohan. We need also na mas maayos ang sistema. Wala kasing double checking sa dokumento. After maibigay sa personnel yung listahan ng mga bibigyan ng allowances, ipapasok na ang budget through ATM, hindi na bumabalik sa NSA Affairs para ma-validate,” sambit ni Fernandez.

Nabunyag ang naturang anomalya ng mismong ang pamunuan ng Landbank of the Philippines ang nagbigay-alam sa PSC hinggil sa mga di pangkaraniwang transaksyon na pumapasok sa payroll account ni Ignacio sa PSC.

-Ni ANNIE ABAD