SASAILALIM sa mahigpit na “health protocols” ang lahat ng mga PBA teams sa sandaling makabalik sila sa paglalaro ngayong taon.

Kugnay nito, lahat ng mga players ay kailangang magpa COVID-19 testing tatlong araw bago magsimula muli ng ensayo na susundan ng regular na testing kada 10 araw.

Kung mayroong isang player na mag positibo sa COVID-19, sasagutin ng kanilang team lahat ng gastos sa pagpapagamot.

“Sasagutin ng teams lahat ng hospital expenses pag nagka-COVID ang players,” pahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Napagkasunduan ito ng PBA Board sa nakaraan nilang pagpupulong.

“Just like when the players get injured, so there’s no need for insurance,” ayon pa kay Marcial.

Lahat ng isasagawang COVID-19 testing para sa PBA ay sa pamamagitan ng swab tests sa rekumendasyon na rin ni Ginebra Governor Alfrancis Chua.

Sa San Miguel Corporation laboratory isasagawa ang lahat ng testing.

Binigyan kamakailan ng go signal ng Inter Agency Task Force ang liga upang makabalik sa ensayo at kaugnay nito ay pinulong ni Marcial noong Biyernes ang mga PBA coaches at team managers hinggil sa mga ipatutupad na health protocols.

Bukod sa “no test, no practice policy” kailangan ding sundin ng mga players ang “closed circuit method” na maglilimita sa kanila mga lugar na dapat nilang puntahan. Papayagan lamang sila na magtungo sa lugar kung saan ang kanilang ensayo at pagkatapos ay diretso na uli sila pag-uwi ng bahay.

-Marivic Awitan