May nilinaw ang legal counsel ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Michael Poa hinggil sa kontrobersyal na “bloodbath statement” ng Pangalawang Pangulo tungkol sa kaniyang impeachment trial.
Sa pagharap sa media ni Poa nitong Lunes, Hulyo 13, binigyang-linaw niya ang naturang pahayag, batay na rin umano sa sariling pakahugulgan ni VP Sara.
“It's not my definition, but actually the Vice President's definition, it's important. She already said this, not just recently, even last year,” ani Poa.
Paliwanag pa niya, “Ano ba yung ibig n'yang sabihin noong sinabi n'yang, "Bloodbath?" Ang ibig sabihin n'ya noon ay yung sariling dugo n'ya yung tatagas. Dahil siya yung nagiging subject nitong impeachment proceedings na ito.”
Iniugnay din ni Poa ang maikling pahayag ni VP Sara noong pumunta siya sa Senado sa ikalawang araw ng kaniyang impeachment trial.
KAUGNAY NA BALITA: : 'Bloodied but unbowed' ni VP Sara, hango sa paboritong tula ni FPRRD
“And that's what clarified further when last week pumunta siya dito na sinabi n'ya she will be bloodgeon,” giit pa ni Poa.
“So what she meant what bloodbath was actually herself,” aniya pa.
Matatandaang minsan nang inihayag ng Pangalawang Pangulo na mas gusto niya raw noon ng isang “bloodbath” na impeachment trial.
"Lawyers, okay naman sila, in full throttle yung kanilang preparations sa impeachment. And, of course, they do not want a trial. As lawyers, alam naman natin ang galawan ng mga abugado. Madami silang paraan sa batas as a legal recourse for their clients," anang Pangalawang Pangulo sa media noong Mayo 17, 2025.
Dagdag pa niya, "Sinabihan ko na rin talaga sila. I truly want a trial because I want a bloodbath talaga."
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nagkomento sa nakabibing niyang impeachment: 'I want a bloodbath!'