MAY mahabang post si Sharon Cuneta para sa kanyang bashers at inunahan niya ang magiging reactions ng mga ito by posting a girl na may suot na t-shirt na may nakasulat na ‘I Love Being Me It Pisses Off All The Right People’ saka isinunod ang mensahe niya sa bashers at trolls.

sharon

“The “right people” meaning the wrongest of the wrong. Yung mga bising-busy sa paninira sa akin ngayon na trolls. Yung mga pinagkakalat na laos na ako, pero follow naman ng follow sa akin at nanginginig sa pag comment ng masasakit at bagay na bagay sa basuran mga salitang sadyang sa kanila lang puede manggaling! IG, Twitter, FB, YouTube, nagkakaisa silang sirain ang pangalan ko. Saan ba nagsimula lahat ng kaguluhang ito? Hindi po ba sa kanila din? Pinagtatanggol ang kasamaan at pambababoy ng isang kasapi ng kulto nila. Binabaligtad at binibigyan ng kulay ang ilang mga nasabi ko sa galit, na ang iba naman ay di patungkol sa bastos na yon kundi ibang taong napatawad ko na. Eh laos na po ako. Wala na dapat akong importansya! Wala na dapat meaning o atensyon ang anumang lumabas sa bibig ko kasi wala na akong relevance di ba yan ang sabi nyo? So bakit binibigyan niyo ako ng 100 % na atensyon at lahat ng posts nyo nitong mga araw na ito ay paninira lang sa akin? Eh laos at wala na akong saysay di ba? Ayan tuloy, baka isipin ng iba may weight pa ng konti di lang ang sexy bochak body ko but also my words at baka sabihin ng iba sinisira nyo ako kasi gusto nyo masira ang kredibilidad ko sa taongbayan? Kayo rin- alam nyo 42 years na akong walang inatago sa bayan.

“Napakahirap naman magpakaplastik at panindigan ang kaplastikan ng apat na dekada! Pag masaya, kita ng tao. Pag malungkot, kita ng tao. Ngayon lang ako nagalit ng ganito. Kasi ngayon lang mula nang naging Pangulo si Pres. Duterte kayo nauso at nauso ang mga masasagwa at di masikmurang mga salita ninyo sa kapwa. Parang wala nga kayong Diyos. Mga kampon yata kayo ni satanas eh. Walang takot. Nakakahiya. Yuck! Tapos tinatanong niyo ako kung disente ako? Hahahaha? Basahin nyo muna ang mga minemessage nyo at kayo na ang sumagot kasi kita naman kung sino ang may katwiran lumaban at kung sino ang... wala lang... bastos at walang urbanidad lang.

Ogie Diaz, pag-aaralan pa kung iboboto si Willie Revillame

“Naku please 2016 lang kayo nagsimula. Ako 1978 pa. Dito na ako nagdalaga at tumanda. Patagalan ba ang gusto nyong laban? Eh di ko naman kayo papatulan na at kakalyuhin pa ang mahal ng mga taong mga daliri ko. Sayang naman ang time kong mag-beauty sleep at tikman ang mga masasarap na pagkaing pinapadala sa amin ng mga tinutulungan kong maliliit na negosyong struggling mula nung nagka pandemya. Mas masahol pa kayo sa COVID 19. Dahil makakahanap din ng vaccine para dyan at may gumagaling naman na marami-rami rin kahit paano at wala pang gamot. Eh kayo? Wala po kayong gamit. Awww... kawawa naman kayo. May sakit na sa kaluluwa na buhay pa kayo baka sinusunog na, wala na nga kayong puso, may incurable lason pa kayo sa utak.

“Ipagdasaral na lang kayo ng laos na ito. Ang Panginoon naman na tila binabastos at nalimot niyo nang nandyan at buhay na buhay, mas matindi magparusa kasya sa tao lang. Kahit laos na ako at di na relevant at papansin- teka- pano ako naging papansin eg sa IG account ko at sa FB account ko at sa YouTube channel ko ako lumalabas? Bahay ko ang mga ito. Di ba kayo ang pasok ng pasok? Di naman kayo imbayted! Naku laos na laos na nga ako. Tama kayo. Kaya dapat di nyo na ako pansinin. Baka isipin ko pa natatakot kayo sa akin kasi ako, 42 years na akong may track record na TOTOO. Kayo lang ba ang makakasira sa akin?

Luma na ang stle nyo. Never ako matatawag na “dilawan.” Obvious ba kahit nga party ng asawa ko yun wala ako noon? Pero parang si Mar Roxas at Bam Aquino lang nung kampanya yan. Balita ko araw-araw libo-libo kayong tumitira sa kanila. Pero exactly one day after elections, ZERO bashing ang natanggap nila. Buking na kayo. Sorry. Matatalino na ang mga nauntog na mamamayan. Ayuda muna bago trolling okay? Tumulong muna kaya kayo sa kapwa kesa kinakalyo kayo sa kakasira ng walang ginagawa sa inyo at pagtulong pa sa iba ang iniisip. Eh di may pinatutunguhan din pala ang kinagagalit ninyong yaman ko na hindi ninakaw o hiniram, excuse me. Ang Diyos, mabait sa inaapi. Pinasa Diyos ko na po kayong lahat kaya payapa na po ang puso ko. Sorry po. Di nyo na po ako nagagalit. Nasasaktan ako noon sobra, hanggang na-realize ko, eh teka- sino ba itong mga itong wala namang nagawang mabuti sa kapwa o naiambag sa bayan? Haaay... God forgive you.”

Walang makapag-comment sa mahabang post na ito ni Sharon dahil disable ang comment box ng kanyang Instagram (IG). Curious kami at tiyak ang mga nakabasa pa ng post niyang ito kung sino ang kanyang mga pinatutungkulan?

-Nitz Miralles