SA online show na Love Thy Chika ni Ruffa Gutierrez ay naikuwento ni Zsa Zsa Padilla ang pinagdaanan ng anak niyang si Nicole bago mag-lockdown at bilang ina ay talagang hindi niya alam ang gagawin niya. Pero aniya, sa Diyos lang siya kumapit at isinurender na niya ang lahat.

Dinala ni Zsa Zsa sa ospital ang anak na si Nicole dahil tumaas ang heart rate, “She just sent me a text. Sabi niya, ‘Mama, my heart rate is so fast.’ Sabi ko, ‘Where are you?’ Sabi niya, ‘I’m home.’ Sabi ko, ‘I’m gonna get you. I will pick you up and I will bring you to the hospital.

“When you break down, magbe-breakdown din ‘yung anak mo at nenerbyusin din, so you have to be strong. Luckily, napakapuno ng ER nu’ng araw na ‘yun, at may COVID na nu’n. S’werte lang kami na hindi pa lockdown.

“I think they already knew na nagkakaroon siya ng thyroid blast or thyroid storm. And it’s very deadly, that’s what they say kasi lahat na ng sintomas lalabas na. May fever ka, ‘yung heart rate mo mabilis, hindi ka makahinga.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Inatake na raw ng nerbyos ang singer ng sabihan siya ng mga doktor na iilipat si Nicole sa ICU (intensive care unit).

“Nu’ng sinabi nila, una sa telemetry unit ilalagay which is parang imo-monitor ‘yung heart, familiar naman ako doon kasi na-bypass si Dolphy. Maya-maya sinabi, ilalagay na siya sa ICU.

“So buti na lang dumating ‘yung boyfriend niya at si Conrad (Onglao) so, sabi ko I’m just gonna go to the bathroom. When I went to the bathroom, doon na ako umiyak,” pagtatapat ni Zsa Zsa.

Dagdag pa, “I prayed so hard. Paglabas ko, they said she’s already responding to the medication so she doesn’t have to be in the ICU. Sa regular room na lang siya.”

As of now ay tuloy pa rin ang medication ni Nicole at hihintayin ang desisyon ng magulang ng dalaga kung papayag na sumailalim sa surgery o radiation.

-Reggee Bonoan