Ibinahagi ni Vice Ganda ang rason kung bakit ayaw niyang magkaroon ng anak.

vice

Sa nakaraang episode ng It’s Showtime, naging contestant sa Tawag ng Tanghalan segment ang isang miyembro ng LGBTQ+community. Sa panayam sa kanya ng host na si Vice, ibinahagi ng contestant na kahit bakla ay nagkaroon naman daw siya ng dalawang anak sa babae.

Sinabi ni Vice sa contestant, “Saludo ako. Hindi ko mawari ang tapang at husay niyo, kasi ako, hindi ko kaya ’yon.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

At dahil nga naman ang ibang gay celebrities ay umaming nagkaroon ng anak sa babae, madalas daw itanong kay Vice ng malalapit niyang kaanak at mga kaibigan kung kailan din daw niya iito papangarapin o totohaning magkaroon sa sariling anak?

Ngunit ayaw itong gawin ng TV host.

“Laging natatanong sa akin, ‘Hindi ka ba mag-aanak? Sayang naman’.” Sabi ko, kung iisipin ko lang ‘yung kakayahan ko, puwede kong sabihin na kaya ko,” lahad niya.

“Pero ayaw ko kasi talagang i-expose ‘yung magiging anak ko sa cruelty ng mundo. Sa akin, ako kayak o ‘yun... Pero ‘yung bata, hindi ko lubos na maisip ‘yung hirap ng anak ko ‘pag sinalbahe ng mga salbahe... Okay lang kahit mag-isa na lang ako basta ‘wag lang magdusa ‘yung magiging anak ko,” wika ni Vice.

Samantala, isang maiksi na “Ikaw na po bahala samin Lord” ang tweet ni Vice na

may silhouette ng taong nagdasal noong Huwebes ng madaling-araw, ang araw na i-a-announce ang resulta ng botohan ng mga Kongresista kung bibigyan ba ng franchise ng renewal ang ABS-CBN.

— Ador V. Saluta, Nitz Miralles at Mercy Lejandre