HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa nagbibigay ng official statement ang TV5 tungkol sa programang Love Life with Kris Aquino na airing na sa Hulyo 25.

kris

Nitong nakaraang weekend ay naglabas na si Kris ng mga bago niyang pictorial sa kanyang Instagram account para nasabing programa at excited siya dahil muli siyang babalik sa kanyang first love.

Ang dami na ring nasulat tungkol sa show dahil lahat ay masaya sa muling pagbabalik ng Queen of All Media sa telebisyon sa ilang taong hindi siya napanood.

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

Maging ang mga sponsor ay isa-isang nagbalikan na at ang dami pang naka-line-up na produktong under negotiation.

Pero kahapon ay nakatanggap kami ng balitang hindi na itutuloy ang Love Life with Kris dahil may hindi napagkasunduan sa pagitan ng producer at TV5 management.

Nais sana naming tanungin ang Queen of All Media tungkol dito kahapon, pero nag-deactivate siya ng kanyang IG account.

Tinanong namin ang taong malapit kay Kris kung bakit deactivated ang IG account niya, “

“Ang dami-dami nang problema ng mga tao, ‘di na ako dapat dumagdag pa,” ito raw ang katwiran ni Kris sa taong kausap namin.

Nagtanong naman kami sa manager ni Kris na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment, “we don’t have final word yet.”

At bago naming tapusin ang balitang ito ay may pahabol na nagsabing taga-TV5, “still working on it.”

Anyway, sana matuloy ang programa ni Kris dahil marami siyang mapapasaya at matutulungang tao lalo na ang viewers.

-Reggee Bonoan