KABUUANG US$127.8 milyon ang nakalap ng ONEChampionship, sa pakikipagtulungan ng Global Citizen para maipalabas ang ‘One World: Together At Home,’ – isang global music special tampok ang esklusibong palabas, at pagbibigay ng morale-support ng mga A-list celebrities.

oneone

Ang nakalap na halagay ay ibibigay sa World Health Organization’s COVID-19 Solidarity Response Fund at healthcare workers na nagsilbing frontliners sa paglaban sa mapamuksang virus.

Kabilang sa nagbigay ng pagpupugay sa  ‘One World: Together At Home,’ sina Lady Gaga, Alicia Keys, Andrea Bocelli, Elton John, Jennifer Lopez, John Legend, Kacey Musgraves, Keith Urban, LL Cool J, Paul McCartney, The Rolling Stones, Sam Smith, Stevie Wonder, Taylor Swift, at iba pa.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinuportahan din ito ng ONE Championship’s biggest superstars kabilang sina Demetrious JohnsonAung La N SangAngela LeeChristian LeeEddie AlvarezMartin NguyenStamp FairtexNong-O GaiyanghadaoSam-A GaiyanghadaoGiorgio PetrosyanEduard FolayangRodtang JitmuangnonBrandon VeraAlain NgalaniRika Ishige, Miesha Tate, Vitor Belfort, at John Wayne Parr.

Naglaab ang ONE Championship ng 10 percent sa net proceeds mula sa merchandise store, ONE.SHOP, para sa WHO’s COVID-19 Solidarity Response Fund at iba pang community organizations.

Tampok sa ONE Shop ang limited edition ‘We Are ONE’ T-shirts.