TULOY ang suporta ng Bounty Agro Ventures Inc. (BAVI) matapos ipagutos ng kanilang pangulo na si Ronald Mascariñas ang pagpapalabas ng karagdagang produkto para magamit ng mga ‘frontliners’ -- medical workers, military men at volunteers – na nakikibaka para maabatan ang coronavirus (COVID-19) pandemic.
Kabilang sa ipamimigay, ayon kay Mascarinas ang mga produkto ng Bounty Fresh, Chooks-to- Go, Uling Roasters, Adobo Connection, at Meat Market by Holly Farms, sa pamamagitan ng Bounty Cares Foundation.
“We are living in difficult times with our lives at stake and our jobs at risk. While our health workers serve in the frontlines battling against the coronavirus pandemic, we choose to do our part as well,” pahayag ni Mascariñas.
Simula sa March 24 hanggang March 29, ipamimigay ang may 100,000 kilos ng Bounty Fresh fully-dressed chicken sa mga frontliners sa Bulacan, Tarlac, Pangasinan, Bataan, Rizal, Taguig, Pasig, at Caloocan.
Nitong Martes, nagpadala ang Bounty ng 1,000 kg.ng manok sa University of the Philippines Diliman para sa mga na-stranded na dormers at personnel sa campus.
Naghain naman ang Adobo Connection ng 1,200 packed meals para sa medical workers ng UERM Memorial Hospital, San Juan de Dios Hospital, East Avenue Medical Center, at Jose Rodriguez Memorial Hospital nitong Marso 21 -25.
Patuloy namang nagbibigay ng tulong ang staff ng Chooks-to-Go at Uling Roasters sa mga pampublikong hospitals, gayundin sa checkpoints sa Tuguegarao, Cagayan; Iligan, San Mariano, Benito, Cauayan, Echague, Alicia, Jones, San Agustin in Isabela; at Siniloan, Laguna.
“I and the board have decided not to count the cost of our donations during this crisis. What matters for us is that our frontliners and our countrymen get the right nutrition they need,” ayon kay Mascarinas.
“We at BAVI can guarantee that our supplies are more than enough during the enhanced community quarantine.”